Kung dati, hamunan ng labasan ng SALN, bank accounts, at mga ari-arian, sa ika-apat na araw ng kampanya, halos isang paksa naman ang puntiryahan: ang isyu ng kalusugan. Aminado si Grace Poe na siya’y naninigarilyo pa rin. Si Binay daw, handang ilabas ang kanyang medical certificate. Si Duterte kamakailan ay tinamaan ng migraine at mukhang ang katawan ay sinisingil na ng ilang taong pag-inom at yosi. Nang himukin ng kalaban na si Mar Roxas na magpakita ng patunay ng kalusugan, ito ang kanyang magalang na sagot: “Patunayan na muna na tuli na siya.” Panoorin mo na kasi.


REAKSYON

  • UNGGUYAN

    Palabiro ang pagkakataon. At kung mahina-hina ang tolerance mo sa bad humor, mapipikon ka. Tulad ngayon. Halos pinagsabay ng pagkakataon na magsimula ang Year of the Monkey at ang kampanyahan.

     

     

    Chinese New Year kahapon, nagsimula na ang Year of the Fire Monkey na nagsasabi sa gaya kong ipinanganak sa Year of the Dragon na <teka, igu-Google ko ang kapalaran ko sa Year of the Fire Monkey> magiging masuwerte raw ako sa negosyo at pag-ibig.

     

    At ngayon, simula na ang 90-day election campaign (na nagsimula na naman dati pa dahil sa dami ng patalastas across all mediums na nagpapakilala kung kani-kanino, ang kaibhan lang simula ngayon, meron nang salitang “Iboto” sa posters at sound bytes.) para sa national level positions. Sa iba, simula ng kampanyahan ito. Ideally, ang kampanya ay isang prosesong mabuting itinatadhana ng demokrasya upang makilatis nating lalo ang nagnanais mamuno sa atin. Pero sa iba, sa akin din, simula na ito ng karnabal.

     

    Mas maraming sasayaw, kakanta, makikiusap, makikiuso. Kakalakalin na naman ang mahihirap nating kababayan at ang kahirapan mismo. Makikitagay sila ng mumurahing toma at makikisubo sila ng galunggong at instant mami sa iyo. Kakaway-kaway at kakamay-kamay para sa kaunlaran at ekonomiya. Sa mga caucus sa plaza, iimbitahin nila ang television-and-movie-heartthrobs-and-sweethearts dahil ang unang hakbang sa pag-unlad ay ipaunawang sabik tayo sa kantahan. Sa palaro at premyo. Sa exotica ng kumakain ng hilaw na manok. Sa dancing monkey.

     

    Kaya mayroon tayong uncanny coincidence with monkeys and campaigns.

     

    Year of the Monkey at mayroong ungguyan, na sa konteksto ng kulturang Pinoy, panloloko ang ibig sabihin. Na sa konteksto ng negosyo: swindling naman ang ibig sabihin ng monkey business. Wow, umaapaw sa kahulugan ang araw ngayon.

     

    Kaya ang payo ko sa iyo para ma-minimize ang negative radiation ng okasyon ngayon at sa mga darating na araw, deduce the layer-by-layer meanings ng slogan ng kandidato, ng calculated na pag-arte ng kandidato sa harap ng camera, ng nanginginig na boses ng kandidato sa radyo, ng postura ng kandidato sa kanilang mga poster. Huwag kang masyadong maging masaya sa dami ng pailaw at front acts ng karnabal. Iyan ang gusto nila. Ang mang-unggoy.

     

    Sorry, nakaka-offend na yata ako dahil sa isinulat kong ito. Baka maraming mapikon. Sorry na. Sorry na sa mga cuddly primates not worthy of this much maligned similes of our promises-regurgitating amoebas in terno, amerikana, robe, or barong. Na tinatawag din nating kampanya sa eleksyon.

     

     

    Bukod sa pagtuturo ng Kulturang Popular, Malikhaing Pagsulat, at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas, Writing Fellow din si JOSELITO D. DELOS REYES sa UST Center for Creative Writing and Literary Studies. Nagwagi ng 2014 National Book Awards for Essay ang kaniyang aklat na iSTATUS NATION. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kaniyang disertasyon para makamit ang Ph.D. Philippine Studies mula sa De La Salle University. Nasa www.facebook.com/joselito.d.reyes din siya.

    Continue reading...
    • #Tama
    • #Kebs
    • #Labo
    • #Sad
  • THE OTHER “ALDUB,” AND OTHER CHEESY MEMES PARA SA ARAW NG MGA PUSO

    aldub 02

    THE OTHER “ALDUB.” Ang Bae ng Norte at ang Bae-rdugo ng Katimugan.

    MEME 2

    Hayaan mo na — Valentine’s Day naman. Minsan lang ‘to.

    MEME 3

    Heto pang isa.

    meme 4

    Last na ito, promise.

    Continue reading...
    • #Tama
    • #Kebs
    • #Labo
    • #Sad

    Loading...